Komersyal airline istretser
Pag ang pasahero ay hindi kayang nakaupo ng matagal at kailangan na humiga sa mahabang byahe, and pinakamurang solusyon ay kumuha ng Business o First Class flight na pinapagana ng isang klase ng sasakyan panghimpapawid na may upuan na kayang maging isang higaan.
Pero minsan lang ganun ang opsyon! Minsan ang mga pasyente ay kailangan ng espesyal na ayos at ito ay tinatawag na “commercial airline stretcher service.” (serbisyo ng isang komersyal na paliparan na may istretser)
Ano nga ba talaga ang Komersyal airline istretser?
Sa termino ng isang pangkaraniwang tao, ito ay pwedeng ilarawan bilang isang “pahingahan ng isang taong may pangangailangan medikal sa isang normal na biyaheng komersyal.”
Commercial airline stretcher service, o ang “komersyal airline istretser,” ay isang malaking tulong na kayang ibigay ng maraming mga airline sa buong mundo para maglipat ng mga pasahero sa kanilang commercial plane, nakahiga imbis na nakaupo ng regular sa upuan pang pasahero.
Ang serbisyo ng isang Commercial Airline na may Stretcher ay maraming nangangailangan: pagkatapos itong irequest, ang istretser ay pansamantala ng nakalagay sa cabin ng isang eroplano para sa natatanging pasahero sa partikular na byahe.
Anim hangang siyam na upuan ng economy class ay hindi magagamit dahil kinakailangan ang espasyo na ito. Pagkatapos na gamitin, ang estretser at iaalis, at ang mga upuan ay magagamit na muli ng mga regular na pasahero.
Ang istretser naman ay ang pinaka nakikitang parte ng pagsasaayos ng paglipat, ang “commercial airline stretcher service” ay may mas malaki pang nasasakop bukod sa pag instila ng kagamitan sa eroplano.
Ang transportasyon ng isang pasyenteng nakahiga na lamang sa isang komersyal na biyahe ay isang komplikadong logistik na proseso, kinakailangan ng buong miyembro ng mga propesyonal.
Para kanino nga ba ang serbisyo ng istretser sa komersyal na airline?
Ang Commercial Airline Stretcher service ay nakareserba para sa matatag na pasyente na pinayagang bumiyahe ng kanilang doktor pero hindi kayang maupo sa regular na upuan dahil sa kanilang medikal na kondisyon. Ang pag upo ay maaaring makasama at makabagal ng kanilang pag galing. Pag nag kalkula kung anong magandang opsyon ng paglipat ng isang pasyente, ang pundamental na tanong ay kung ang pasyente ba ay hindi talaga kayang umupo kahit sa anong paraan o kung ang pasyente ba ay kailangan na nakahiga palagi pero kaya naman maupo para sa pag paglipad, landing, o para sa malakas na gulo ng eroplano sa biyahe. Ang sagot ay matutukoy kung ang pasyente ay pwedeng ilipat sa Business Class o First Class na lang. Ang ganitong opsyon ay may mura at may kasama pang kaginhawaan, mas magandang serbisyo sa biyahe, at mas privado para sa pasyente. Salungat sa paniniwala ng nakararami, ang paghiga sa isang diretsong upuan ay mas komportable kaysa sa istretser, lalo na sa mahabang biyahe. Ito ang dahilan ng pahigang upuan na kayang magawi sa iba’t ibang direksyon at posisyon kung saan komportable. Pero ang pag biyahe sa mahal na cabin ng eroplano ay inaasahan na ang pasyente ay makakasakay at makakababa ng eroplano sa pamamagitan ng wheelchair. Sa kabuuan, ito ang kaso para sa mga pasyente na may seryosong sakit, mahihina ang katawan, hindi makagalaw ng maayos, may mga nararamdaman na sakit, o ang mababang lebel ng kamalayan. Halimbawa ay comatose stoke na mga pasyente, taong may sakit sa spine, at mga psychiatric na pasyente na kaya lang ma-i biyahe ng ligtas sa eroplano kung sila ay tulog at may gamot sa ilalim ng mahigpit na pag mamatyag ng isang medical crew. Sa lahat ng mga kasong ito, ang pribadong ambulansyang panghimpapawid ay makakatulong nga, pero ang presyo ay nakahahadlang kung ang byahe ay malalayo, lalo na kung ang pamilya ang nagbayad ng paglipat galit sa kanilang sariling bulsa. |
Hindi lahat ng airline ay nag aalok ng stretcher accommodation sa mga pasahero
Ang mga pasyenteng nakaratay na nangangailangan ng commercial airline stretcher service ay may konting opsyon kaysa sa regular na pasahero. Ang itineraryo mula punto A hangang punto B ay pwedeng magbago mula sa pinakamurang ticket na meron o and pinaka maikli o ang pinaka direktang ruta.
Halimbawa, wala ni isa sa mga paliparan sa North America ang nagsasakay ng istretser sa eroplano. Ang ilan ay gumawa nito noon pa, pero hindi na ngayon, dahil ito ay umuubos ng oras at logistikal na mas mapaghamon na mag ayos ng paglipat gamit ang istretser sa komersyal na paliparan.
Ang tinatawag na ULCCs ay hindi nag aalok ng serbisyo na commercial airline stretcher sa mababang-halagang paliparan o mas mababang-mababang tagapaghatid. Ang mga paliparang ito ay may mabilis na oras sa pagbalik at namumuhunan sa kahusayan at pinakamataas na bilang ng pasahero. Ang stretcher service ay hindi sakto sa ganung modelo.
Sa kabutihang palad, halos lahat ng full-service na paliparan sa Middle East, Africa, Asia, at iba sa Europe ay nag aalok pa rin ng serbisyo ng istretser. Sa ibang parte ng mundo, ang paglipat gamit ang istretser sa komersyal na paliparan ay pang araw-araw, may grupong medikal na naglilipat ng mga pasyente sa pagitan ng bawat lungsod at sa ibang baybay sakay ng mga nakatakdang byahe.
Pagpasok at paglabas sa North America, ang istretser ng komersyal na paliparan ay pinakamurang paraan para maglipat ng nakaratay na pasahero at natatanging opsyon para sa nakararaming pamilya na hindi kaya ang ambulansyang panghimpapawid.
Sa Canada, ang mga istretser ng komersyal na paliparan ay meron at magagamit sa Vancouver, Edmonton, Calgary, Montreal, at Toronto.
Halimbawa ng mga paliparan na kayang mag-opetate ng mga istretser papasok at palabas sa Canada kasama ang Philippine Airlines, Emirates, Turkish Airlines, Lufthansa, KLM, Eva Airlines, Korean Air, at Cathay Pacific, kabilang sa mahabang listahan ng opsyon, depende sa hiling na ruta.
Kung isasama mo ang USA sa mga ito, merong halos 50 na iba ibang paliparan ang kayang magbiyahe ng istretser papasok at palabas ng North America!
Ano ang dapat na asahan kung ikaw ay nangangailangsn ng airline may stretcher service?
Kung ikaw o ang mahal mo sa buhay ay biglang nangailangan ng serbisyong may istretser ng komersyal na paliparan, intindihing mabuti ang proseso at alamin kung ano ang dapat ihanda para makabawas sa maraming stress at anxiety.
Asahan na mataas ang presyo para sa paglipat gamit ang istretser ng airline
Kahit laging mas mura ang istretser ng komersyal na airline kaysa sa ambulansyang panghimpapawid, ang total na gastos ay hindi pa rin dapat maliitin. Depende sa airline, ang ruta, at panahon, ang presyo ng ganitong serbisyo papasok at palabas ng Canada ay nababago sa pagitan ng 60,000 at 100,000 Canadian Dollars.
Ang presyo ay madalas na nagmumula sa kompanya na may panghimpapawid na transportasyong medikal na dalubhasa sa pag escort ng mga medikal na serbisyong pangdaigdigan, at kasama rin nito ang paglipat gamit ang ambulansya sa lupa, at ang aeromedical team na lilipad kasama ang pasyente.
Asahan na maghihintay ng ilang araw bago maibyahe ang pasyente.
Maraming departamento ang nagtutulong tulong upang maging posible ang pag lipat gamit ang istretser ng airline pag ang request ay nagawa na. Ang lahat ng kailangan na piraso ay kusa na mapupunta sa tamang lugar, at ang paliparan at ang aeromedical transport company ay magpapasya kung kailan puwede na ilipat ang pasyente.
Kahit para sa mga humihiling na malipat agad ang pasyente, ito ay aabutin pa rin ng ilang araw, hangang isang linggo. Ang pagkaantala ay maaaring mangyari kung ang pasyente ay hindi pa puwedeng lumipad o ang biyahe ay limitado sa isang partikular na destinasyon o kung walang available na upuan ang airline
Asahan ang hindi pamilyar na paliparan o ruta
Kahit na ang partikular na airline ay mayroong madaming direktang biyahe sa hiniling na ruta, ang pasyente sa istretser ay dapat na mapaglingkuran ng mas maayos ng hindi kilalang paliparan o sa mas mahabang ruta. Madaming dahilan ang puwede na isaalang-alang: halaga, pagkakaroon ng puwedeng sakyan, tamang oras, uri ng eroplano at logistiks.
Kahit na ang byaheng planado ay maaaring mabago hangang sa huling minuto, ikaw ay makakaasa na may mga taong nag aasikaso sa likod ng kaganapan sa agarang paglipat ng pasyente, pero ito ay sumasailalim ng maingat na pamamaraan.
Asahan ang patuloy na pag aalaga sa pasyente habang nililipat gamit ang istretser ng airline.
Ang pasyenteng nakaratay ay inililipat sa istretser ng eroplano ay laging may kasamang isa o higit pa na “commercial medical escorts.” Ang mga ito ay mga propesyonal sa medikal na may espesyal na pagsasanay upang maisagawa ang trabaho sa onboard komersyal na sasakyang panghimpapawid.
Ang papel ng mga medical escorts ay hindi lamang para maglipat ng pasyente pero pati na rin ang pagbibigay ng lahat ng kailangang pag aalaga sa pasyente sa higaan.
At sa parehong oras, ang pasyente ay binabantayan at inaasikaso kasama ang iba pang pangangailangan.
Asahan ang pagiging pribado ay limitado habang inililipat gamit ang istretser ng airline.
Sa isang malaking komersyal na eroplano, ang istretser ay nakakabit sa likurang bahagi ng Economy Class. Ang espasyo ng cabin ay pinagsasaluhan ng daan-daang iba pang pasahero, at ang pasyente ay natatanging nakahiwalay sa iba gamit ang kurtina para sa privacy nakaikot ito sa istretser.
Ang may karanasang medikal eskort ay patuloy na nakaantabay dito at aalagaan ang pasyente sa pinakamaingat na posibleng paraan. Ngunit asahan ang iba pang pasahero na nagdadaan pabalik balik habang nasa biyahe.
Asahan na ang kaligtasan sa paglipad ay kasinghalaga ng pangangalaga sa pasyente.
Ang isang nakaratay na pasyente sa istretser ay kinikilala na pasahero at biyahero ng paliparan at ng komersyal na eroplano. Ang pasyente ay dapat, sa makatuwid, sumunod sa lahat ng batas at regulasyon para makabiyahe sa himpapawid. Ang batas sa kaligtasan ng aviation ay sinasakatuparan at pati na rin ang pamamaraan sa proteksyon ng border.
Ang ibig sabihin ay ang pasyente sa istretser ay paksa sa buong pag iinspeksyon bago sumakay at ang opisyal ng customs at immigration ay iinspeksyunin ang mga documento sa pagbiyahe at ang mga kagamitan kagaya ng lagi nilang ginagawa.
Ibig din sabihin neto na ang pasyente sa istretser ay kinakailangan na gumamit ng safety belts habang nasa biyahe at hindi puwedeng magdulot ng kapahamakan sa ibang mga pasahero, halimbawa, ang pagbitbit ng nakahahawang sakit, armas, o ang pagpapakita ng nakagagambalang pag-uugali.
Ang komersyal na serbisyo ba ng istretser ay mayroon kung saan ako naninirahan?
Hindi marami ng tao sa mundo ay naninirahan sa na lungsod na may malapit na paliparan kung saan maaari sila sumakay ng komersyal na biyahe na may istretser. Dahil na rin dito, maraming airline ang nagbibyahe na may istretser na nagsisimula sa lokal na paglipat gamit ang ambulansyang pang lupa, helikopter, o ang charter na eroplano papunta sa pinakamalapit na paliparan, kung saan maaari silang sumakay ng eroplano na may komersyal na istretser sa paliparan. Kahit na ang biyahe ay mahaba, ito ay makakapagbigay ng komportableng pakiramdam sa pasyente. Minsan, ang ibig sabihin neto ay ang pasyente ay dapat tawid ng border gamit ang ambulansya para makarating sa pinakamalapit na paliparan sa ibang bansa na may airline na may serbisyo ng istretser. Maaari rin mangyari ang ganitong sitwasyon sa destinasyong paliparan, kung saan ang pasyente ay binababa mula sa komersyal na eroplano at tinutuloy ang paglalakbay gamit ang ambulansyang pang lupa o ang charter na eroplano papunta sa mas maliit na lugar. |
Konklusyon
Ang mga kompanya ng pagbiyaheng medikal sa himpapawid katulad ng Jet Companion ay nag aayos ng lahat ng hakbang sa paglipat gamit ang istretser ng isang airline istretcher. Walang natitira sa pagkakataon.
Sa paglipas ng panahon, ang Jet Companion at kaparehong mga kompanya sa mundo ay talagang naging dalubhasa sa ganitong klaseng mga paglilipat ng pasyente. Kontakin Jet Companion at makipag ugnayan ngayon din upang malaman pa ang ibang impormasyon