Pagbiyaheng may kasamang medikal na oxygen
Ang respiratory therapist mula sa ospital ng Vancouver ay katatawag lang sa amin na may mga katanungan. Mayroon kaming matandang pasyente na may bagong diagnosed na mga problema sa puso at COPD na maaari ng pauwiin.
Ang pamilya ay gusto siyang ibalik na sa India, pero nangangailangan pa rin siya ng oxygen para sa buong mahabang biyahe. Paano kami makasisigurado na siya ay makakatanggap at hindi mahihinto ang kanyang oxygen hangang siya ay makarating sa bahay sa India?”
Bakit nahihirapan ang mga pamilya sa pag aayos ng medical oxygen para sa internasyunal na biyahe?
Kadalasan, ang mga pasyente na kinakailangan ng medikal na oxygen sa bahay pagkatapos mailabas sa ospital ay humahanap ng angkop na solusyon, kahit sa maliliit na komunidad. Kung sino man ang naatasan sa koordinasyon sa paglabas ay siyang magkakaroon ng mga detalye ng pagkontak sa supplier ng oxygen. Maging ito man ay ang respiratory therapist, tagapamahala ng mga kaso sa mga nars, o ang social worker ng ospital, magkakaroon silang lokal na network para sa konsultasyon. Mga opsyon para sa medical oxygen sa bahay kasama ang pagbili ng mga kagamitan o mahikli/mahabang termino ng pagrenta. Karaniwan ay malalaki ang lalagyan ng oxygen, o mas kamakailan, electric oxygen concentrators nakaya kumuha ng oxygen sa nakapaligid na hangin at ipadala ito sa daanan ng hangin ng pasyente. Ang mga solusyong ito sa bahay ay hindi masyadong nakatutulonh sa pasyente na, imbis na umuwi sa bahay matapos payagan lumabas, ay pupunta sa paliparan para bumiyahe ng 20 mahigit na oras: ang regular na tangke ay hindi pinapayagan sa eroplano at ang tipikal na oxygen concentrator na gamit sa bahay ay masyadong malaki at mabigat para dalhin sa komersyal na biyahe. Maliban, sino ang mag babalik ng kagamitan pagkatapos itong gamitin? Ang paglalakbay sa himpapawid, at lalo na ang internasyunal na paglalakbay sa himpapawid para sa ganung bagay, mag tanung ng iba pang paraan. |
Anu pang mga opsyon ang mayroon sa pagdala ng oxygen sa biyahe?
Sa mahikling salita, ang mga silindro na portable oxygen o mga concentrator na portable oxygen. Pero ito ay mas simpleng pakinggan kaysa rito. Ang airline ay magdadala ng natatanging mga bote ng aviation oxygen na paunang naaprubahan para sa paggamit ng komersyal na eroplano.
siniksik na hangin na medical oxygen ay tinatalagang mapanganib na materyal, at ito ay maaari lang dalhin sa biyahe kasama ang pasahero ng eroplano kung mayroong programa para sa inspeksyon at pagpapanatili sa ayos ng kagamitan.
Sa mahikling salita, ang mga silindro na portable oxygen o mga concentrator na portable oxygen. Pero ito ay mas simpleng pakinggan kaysa rito. Ang airline ay magdadala ng natatanging mga bote ng aviation oxygen na paunang naaprubahan para sa paggamit ng komersyal na eroplano. siniksik na hangin na medical oxygen ay tinatalagang mapanganib na materyal, at ito ay maaari lang dalhin sa biyahe kasama ang pasahero ng eroplano kung mayroong programa para sa inspeksyon at pagpapanatili sa ayos ng kagamitan. Ang cabin crew ay susunod sa mahigpit na mga protokol ng kaligtasan para sa pagdala at pag gamit ng mga bote sa biyahe. Ang halaga ng airline-supplied oxygen sa isang komersyal na biyahe ang kabuuan ay puwedeng magbagom Ang ibang airline ay hindi pinababayaran ang oxygen, ngunit ang iba naman ay nagpapabayad ng flat fee o ang presyo ay nababase sa haba ng biyahe o kung ilan ang bote ng oxygen na kailangan. Ang oxygen mismo pwede nagkakahalagang humigit sa 1,500 dolyar, mag-isa sa napiling upuan! Ang concentrators na portable oxygen o POC sa maikling salita, ay mas maliit ang bateryang nagpapagana na ginawa mismo para sa mga pasyenteng nakamobil na nakaoxygen. Sila ay ibang klase kung ang pagbabasehan ay paglalakbay sa himpapawid. Ang mga POC ay maaaring maging pagmamay ari ng pasyente, pinagbigay ng kompanya ng aeromedical na nalilipat, o maaaring rentahan mula sa kontratista na nagtatrabaho sa airline. Ibang mga batas at kondisyon ang ilalagay upang magamit ang POC sa biyahe ng komersyal na eroplano. Sa pagbiyahe na may POC mayroon din mga kakaibang hamon: saktong baterya na nakapack ay kinakailangan na dalhin sa bitbit na bag, at iba namang POC at baterya nito ay pinahihintulutan, habang ang iba ay hindi. |
Saan ka dapat magsimula kung kailangan mo ng oxygen sa biyaheng panghimpapawid?
Ang mga airline ay tipikal na nilalabas ang kanilang mga kailangan para sa biyahe na may medical oxygen sa kanilang website. Magsimula doon. Tapos, tanungin ang nagbibigay ng healthcare sa pasyente para sa iba pang impormasyon tungkol sa kung ano ang mga kailangan ng pasyente. Ang pasyente ba ay angkop na lumipad? Maaari bang bumiyahe ang pasyente? Kaya bang ibigay ang pag aalaga habang nasa biyahe?
Ang mga pamilya ay madalas na iniisip ang proseso ay simple gaya ng pagdodownload ng medical form ng airline, pagagawa lamang sa doktor, at ipadadalang muli sa airline. Gayun pa man, may iba pang mga salik ang maaaring magpakomplikado sa pag biyahe na may oxygen. Kung hindi kayang hawakan ng mga propesyonal, ang proseso ng pag-apruba ng airline ay maaaring maging mahaba at nakakadismayang karanasan.
Habang ang mga doktor, mga nars, at mga respiratory therapist sa lupa ay mas alam ang makabubuti para sa pasyente, mas madalas ang benepisyo kung isasama na ang kompanya ng aeromedical. Mas kabisado nila ang airline at ang paglipat ng mga pasyente araw-araw sa biyaheng komersyal.
Dahil itong naglilipat na mga kompanyang aeromedical ay dalubhasa sa paglipat ng mga pasyente sa biyaheng komersyal, sila ay eksperto sa pagresulba ng mga problema sa paglilipat katulad ng problema sa oxygen sa biyahe. Sila ay pamilyar sa proseso sa likod ng medical clearance ng airline at ang mga kondisyon sa ibang paliparan na pinataw bago tanggapin ang pasahero na nangangailangan ng oxygen sa biyahe.
Bakit inirerekominda ang isang medikal eskort kung bibyahe na may oxgen?
Ang pangangailangan sa medical oxygen sa isang komersyal na biyahe ay tipikal na kaugnay ng iba pang pangangailangan: tulong ng wheelchair, madaling pagkilos, mga gamot, pagpunta sa palikuran, at mga konsiderasyon para maiwasan ang labis na pagod at maiwasan ang palala ng kondisyon ng pasyente.
Ang pagbiyahe sa himpapawid ay talaga namang mahirap para sa mga pasyente na nagdudusa sa sakit sa paghinga: Mahihirapan talaga sila huminga sa mas mataas na lebel, lalo na sa mahabang biyahe, at sila ay maaaring mangailangan ng mas maraming gamot, pagsubaybay sa kanilang vitals, maiiging pagmamasid, at may mga oras na may pagbabago sa kanilang paghinga dahil sa kanilang kondisyon.
Mayroon laging sapalaran na may medical emergency; ang medikal eskort ay kayang mamagitan at masolusyonan ang maliliit na problema bago lumaki. Minsan, ang airline ay magsasakay lamang ng pasyente kung mayroon itong kasamang medikal eskort.
Pero kahit na hindi ito gaano kabigat na kondisyon, ito ay nakagiginhawa para sa pasyente at sa pamilya na malaman na ang propesyonal medical na sinamay ay ang mangangalaga sa pasyente kahit gaano kahaba ang biyahe.
Ang alternatibo ay magtiwala sa husga at pakikialam ng hindi sanay na miyembro ng pamilya, crew ng cabin, o kahit na isang estranghero.
Bukod sa medikal kit, ang mga medikal eskort din ang nagbibigay ng POC na galing sa kompanya ito ay magagaan, siksik, at naunang naaprubahan para sa paglalakbay ng airline ng walang dagdag na bayad para sa pasyente, naresolba ang problema ng pag aayos ng medical oxygen para sa biyahe.
Konklusyon
Para sa kaso ng pasyente sa Vancouver, ang respiratory therapist ang magbibigay sa pamilya ng kontak ng Jet Companion para maiayos ang paglipat sa India. Ang pamilya ay iniwan ang pagharap sa mga pag-aapruba ng airline sa aming taga ayos ng mga ito. Matapos ang ilang araw, lahat ng papeles ay nasa tamang lugar, at isa sa aming taga biyaheng nars ay dadating sa tabi ng higaan. Ang mahabang biyahe papuntang India ay walang anu mang nangyari, at ang gagawin na lamang ng lahat ng pamilya ay rumenta ng medical oxygen na mgagamit para sa matagal na termino galing sa lokal na taga dala sa bahay sa India. Sa amin ay makipag ugnayan ngayon din upang malaman kung paano namin kayo matutulungan. |